Reaction Paper: Aralin 1

Orenci Ken Q. Soleta || X-Perseverance
REACTION PAPER: ARALIN 1


1. Paano namumulat ang mga mag-aaral na tulad mo sa mga kontemporaryong isyu? 

    Ang mga mag-aaral na katulad ko ay namumulat sa kontemporyayong isyu kung kami ay  nakakabahagi, nakiki-alam, at nagbibigay ng sarili naming opinion at solusyon patungkol sa  kaganapan sa gobyerno, lipunan, at sa iba’t iba pang pangyayari sa mundo. 

2. Paano nakakatulong ang pagkamulat sa mga kontemporaryong isyu sa pagpapaunlad ng bansa? 

        Nakakatulong sa pagpapaunlad ng bansa ang pagkamulat sa kontemporaryong isyu sa  pamamagitan ng pagiging konektado ng bawat isang kasapi ng lipunan, at pagkakaroon ng  alam ang mga tao sa mga importanteng kaganapan na nakaaapekto sa kanilang buhay.  

3. Ano ang iyong pinakamahalagang natuklasan sa araling ito? 

        Aking natuklasan na ang dapat gawin ng tao ay makialam, makiusisa, at kuwestyonin ang  mawat nakikita sa anumang platform ng media. 

4. Paano mo magagamit ang natuklasan mong ito? 

        Ako ay isang taong napaka-interesado sa mga conspiracy theories, at sa aking posisyon,  magagamit ko ito upang makumpirma, mabali, at maintindihan pa lalo ang mga bagay na hindi  gaanong pinagtutuunan ng pansin at karaniwang hindi binibigyang importansya na mga bagy bagay. Higit sa lahat, bilang isang tao na kabilang sa society sa panahon ngayon, iba ang may  alam. Kung ang tao ay mayroong malalim at malinaw na ideya ukol sa mga pangyayari,  consequences, at panahon, sa aking palagay ay mas madali syang makakapag-adjust sa  pabago-bago at mahirap na buhay sa mundo. 


Comments

Popular posts from this blog

Exercise 3 - Unemployment

ARALIN 1: ACTIVITY 1

Exercise 2 - Kalamidad