Exercise 2 - Kalamidad
EXERCISE ACTIVITY 2 - CALAMITY ISSUES
Orenci Ken Soleta || X- Perseverance
1. Maghanap ng mga balita, artikulo o dokumento na nagpapakita ng kaganapan o pangyayari sa ating bansa ngayon taon 2020 o 2019 patungkol sa mga sumusunod:
a) Bagyo
b) Baha
c) Lindol
d) Landslide
e) Storm surge
f) Pagputok ng bulkan
2. Gumawa ng isang “reaction” patungkol sa nakalap na impormasyon. ( atleast 5 sentences) 3. Isama ang source or link na pinagkunan ng detalye patungkol dito.
SAMPLE FORMAT:
A. BAGYO
Source: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/763953/14-dead-3-missing-due-to typhoon-ulysses-ano/story
REACTION:
Una sa lahat ikinalulungkot ko ang mga nangyayari sa ating bansa dahil sa pagkasabay sabay ng mga sakunang nangyayari. Nakababahala rin ang mga hakbang na ginawa ng mga residente na tumangging sumama sa mg rescuer, at hindi lubusang naghanda sa paparating na bagyo. Sa aking palagay, ang dapat sisihin dito at yang mga LGU, dahil hindi sapat na pagpapaalala ang kanilang ginawa, kaya’t hindi nakapaghanda ang mga residente.
B. BAHA
Source: https://www.onenews.ph/worse-than-ondoy-typhoon-ulysses-triggers-massive-flooding in-mm-rizal-other-areas-residents-caught-by-surprise
REACTION:
Ikanalulungkot ko na ang mga tao ay parang hindi nagging handa at parang isinawalang bahala lang nila ang naging epekto ng bagyo. Sa aking palagay, dapat mas pinalawig pa ng local na pamahalaan ng Marikina ang pagbabahala sa mga tao, dahil sa aking palagay, in underestimate nila ang panganib na dala ni Bagyong Ulysess, at lubusan silang nagulantang dahil mas malakas pa daw ito sa bagyong Ondoy.
C. LINDOL
Source: https://www.rappler.com/nation/updates-luzon-earthquake-april-2019 REACTION:
Nakakatakot ang lindol sa aking palagay, dahil kung ikikumpara sa mga pag-bagyo o iba pang mga sakuna, ang lindol ay mahirap i-predict. Sa mga pagkakataon na ganito, ang pagpe prepare ng emergency routes, emergency kits, at iba pa ang tanging paraan upang maiwasan o mabawasan ang casualties. Sa kasamaang palad, sa pangyayaring ito, naganap ito sa panahong hindi talaga inaasahan, at nakakalungkot na mabalitaan na maraming namatay at nasaktan dito…
D. LANDSLIDES
Source: https://newsinfo.inquirer.net/1360499/death-toll-in-ulysses-floods-landslides-rises
Di gaya ng lindol, ang landslide ay puwedeng maiwasan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga lugar na may bangin o alanganing lugar sa gilid ng bundok. Ngunit ang mga landslides ay nagaganap dahil sa paglambot ng lupa na karaniwang dulot ng sobrang pagmimina sa mga kabundukan, kabilang na ang mga bundok sa hilagang parte ng Rizal (San Mateo, Rodriguez, Montalban), na sinasabing nagdulot ng mga pagguho ng lupa dahil dito. Ngunit sinasabi ng local na pamahalaan na ito ay dahil sa saturation ng tubig. Ngunit either way, nakakalungkot isipin na nagaganap pa rin ang pagkakaroon ng casualties dahil sa mga sakunang dulot nito.
E. STORM SURGES
Source: https://www.rappler.com/nation/luzon/storm-surge-victims-albay-appeal-help-typhoon rolly-wiped-out-homes
Sa mga nagdaang pagsubok sa Bicol Region sa mga nakalipas na Linggo, ang Rolly ay ang pinakamalakas na bagyong tumama at sumira sa iba’t ibang kabuhayan sa mga tao, kabilang na ang mga naninirahan sa mga coastal areas. Bilang isang Bikolano, ako ay nalulungkot sa mga kababayang naapektuhan ng mga sakunang ito, at ako rin ay nalilito kung sino ng aba ang may pakana ng mga casualties, kung ang mga tao bang pinipilit lumikas, o ang local ng pamahalaan na mabagal na pagresponde.
F. VOLCANIC ERUPTIONS
Source: https://edition.cnn.com/2020/01/17/asia/taal-volcano-philippines-fatal-attraction-intl hnk/index.html
REACTION:
Ako ay lubos na nagulat noong una kong narinig ang balita ukol sa pagputok ng bulkang Pinatubo, dahil hindi ko lubos akalain na puputok ito. Ako rin ay nabigla dahil umabot sa Rizal ang ashfall nito, at first time ko itong naranasan. At the same time, ako rin ay nakadama ng takot dahil na-realize ko na apektado rin pala ang kinalulugaran ko, kahit ilang kilometro ang aking layo sa Mt. Pinatubo. Nakakalungkot isipin na maraming taong nawalan ng hanap buhay, at nawalan ng mga ari-arian. Kasunod pa ang pandemya, hindi ko lubusang maisip kung paano babangon ang mga taong sobrang naapektuhan ng pagputok nito.
Comments
Post a Comment